"Gusto kita." Ang dalawang salita na yan ang matagal ko ng nais marinig mula sa bibig ng best friend ko, pero noong araw na sinabi niya nga ito sakin ay walang paglundag ng puso na para bang gusto na umalis sa dibdib ko at walang pagtigil ng mundo na parang kaming dalawa lang ang naroon. Hindi ko naramdaman ang inasahan kong mararamdaman ko. "Gusto rin kita." Yan ang lumabas sa bibig ko ngunit bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Ano ba ang nag-iba?All Rights Reserved