Umasa? Pinaasa? Binalewala? O sige lahatin na natin. Nasaktan ka. Pero bakit nga ba? Alam mo ba kung bakit? Oo nga tama. Minsan tayo rin naman mismo ang gumagawa ng kutsilyo na makakasakit sa atin. Yung mga pagkakataon na gagawin natin ang lahat para lang sa taong mahal natin at kahit sarili mong pamilya ay naitatakwil mo na pero kulang pa rin pala. Kasi wala siyang paki sayo. Kasi hindi ka niya mahal. Eh yun naman pala eh. Nasasaktan ka na pinipilit mo pa rin. Alam nyo ang gamot dito hindi yung payo ng magulang mo o kaibigan mo. Kailangan mong mauntog para malaman mo na sinasaktan mo na pala sarili mo. Just accept the truth and move on from the negatives. Marami pa naman tao dyan eh. Yung mas deserve yung pagmamahal mo. Kaya oks lang masaktan at least natuto ka at sana dun sa susunod na pagkakataon wag mo nang ulitin. Images not mine. CTTO.