Paano kung ang special kiss mo ay napunta lang sa isang Spoiled Brat na babae na tanging ginawa lang sa buhay niya ay magsisiiyak? Mandidiri ka ba? Maiirita ka ba? Mahihimatay ka ba? O mamamatay ka agad?
Kadiri siya sabi ng isip mo, eh anong sabi ng puso mo? Hindi mo siya type at kahit kelan pinangako mo sa sarili mong hindi mo siya mamahalin.
Isang araw nag apply ka ng trabaho, bilang isang Yayo at di sinasadyang ang Brat na yun pala ang aalagaan mo. (May pagkakataon ka ng ganithan siya >:D)
Inalagaan mo siya at bilang Yayo may tungkulin ka ring baguhin ang ugali niya na siya namang dagdag bonus sayo $o$.
Sa parehong lugar, sa parehong panahon at sa parehong oras, di inaasahang matrapik kaya ang puso niyo'y nagbanggaan.
"Mahal ka niya, pero mas mahal mo ang trabaho mo at ang trabahong iyon ay mahalin siya!",
Malamang naguguluhan na kayo, pero dont worry di ko kayo pinipilit na basahin to! Kayo rin baka pagsisihan niyo XD