Bata pa lang ay sabik na sa pag-ibig si Ada, yong tipong nangangarap kahit nakadilat. Ambisyosa siya at kahit hindi naman mukhang Diyosa ay nangangarap ng isang makisig na prinsepe. Ayaw niya ng basta-bastang lalaki. Mataas nga ang standard akala mo kagandahan ang peg! Linamon na ata siya ng sistema dahil sa kaka daydream namalayan na lamang niya na nasa ibang dimension na siya ng magmulat ng mga mata. Mundo ng mga lambana? At siya raw ang natatanging itinakda na tutulong sa nanganganib na kahariang lamara. Kailangan niyang hanapin at galugarin ang lahat ng sulok makita lamang ang mga nawawalang hiyas na pag-aari ng kaharian ng mga ito. Anong malay niya? Nais na niyang magising sa pagkakahimbing at kailangan pa niyang maglaba. Ngunit kahit anong pilit niyang magising naroon at naroon siya sa lugar na nabasa lamang niya sa lumang kwentong inaanay na sa library.
5 parts