Sabi nila pag mahal mo daw ang isang tao, mahal mo siya kahit gaano man kayo kalayo sa isa't isa, o kahit ano pa man ang pagkakaiba, o kahit madaming hadlang, kapag mahal mo. Mahal mo. Pero masasabi mo bang mahal mo ang isang tao kung nanawa ka kasi puro chat at video call lang kayo dahil sa "DISTANCE"? Mapapagtagumpayan mo kaya yung challenges ng LDR kung feeling mo eh ayaw na niya sa'yo. Makakatuluyan mo kaya ang isang taong malayo man ay totoong nagmamahal sa'yo o pipiliin mo bang sayangin na lang ang pinagsamahan niyo?