Hi. Isa akong freshman at wala pa akong malay sa mga high school love chuchu basta ang alam ko kapag daw high school love, unforgettable. 1st week sobrang naninibago pa ako sa school ko, sa mga facilities doon, at sa mga teachers (hindi ko pa kasi kilala kung sino ang mga terrors), at sa mga estudyante. Hindi ko alam kung sino ang clowns, ang mga geeks, ang mga spice girls, mga da gwapings, at mga weirdos. After 1st week, naka-adjust na ako. Then dumating ang club day. Ang araw na sana hindi na lang ako pumasok. Sobrang saya ko noong club day kasi feeling ko parte na talaga ako ng school ko.