Totoo bang may mga cupids na nagpapana sa mga puso ng mga tao para ma-inlove sila sa isa’t isa? Yung mga salarin para malulong tayo sa masarap na bisyo: ANG MA-INLOVE NG SOBRA. Sabi nga nila, pagka raw in-love ka, hahamakin mo ang lahat maipaglaban mo lang yung nararamdaman mo. Kaso, pano kung magising ka nalang na *poof!* biglang tumigil yung pagtibok ng puso mo para sa tao na yon? Anong gagawin mo kung malaman mong may something up there sa heaven ang nagkamali sa pagpana sa inyo? Sad but true. May mga relationships na nag-e-end kahit na wala namang issues o dahilan para matapos sila bukod sa wala na yung pinaka-importanteng bagay sa isang relasyon... yung LOVE.
“Kailangan, hanggat maaga pa ay ayusin mo na ang isang pagkakamali bago pa ito lumala.”
-Kupida