Si Juliana Perez ay kilala sa kanilang paaralan dahil sa angkin niyang talino at ganda, ang kanyang mga magulang ay manghang-mangha dahil sa angkin nyang kakayanan. Kilala rin ang mga Perez dahil sa kanilang ari-arian, at gusto ng mga magulang ni Juliana ay magkaroon ng nobyong matalino, gwapo, at mayaman na tulad nya. Ngunit, paano kung nahanap na niya ang taong nagpapasaya sakanya, na hindi niya maramdaman sa mismong pamilya niya. Sa loob ng labingwalong taon na pagsunod sa magulang niya, magagawa niya kaya itong suwayin?