Isa lamang ang hiling ni Riley, iyon ay mahalin si Kiefer Stan Montefalco. Naging magkasintahan sila, naging maganda ang kanilang pagsasama ngunit isang pagkakamali ang kanilang nagawa. Nang nalaman ni Riley na siya'y nagdadalang tao, pinuntahan niya si Kiefer upang ipaalam na nakabuo sila at kailangan niya itong panagutan. Subalit, parang gumuho ang mundo ni Riley nang sabihin nitong hindi niya pananagutan ang bata. Pinalayas niya si Riley na labis na kinadurog ng kaniyang puso. Kapag hindi niya susundin ang sinabi nito, may mangyayaring hindi maganda. Galit siyang umalis sa mansyon ni Kiefer. Binantaan niya ito na hinding-hindi niya ipapakita sa kaniya ang anak nila. Paano kung magkita muli ang kanilang landas? Paninindigan kaya ni Riley ang kaniyang desisyon o hayaang lamunin ng kasinungalingan?
51 parts