"Sa panahon ngayon, kahit sino puwedeng maging puta. Kung kaya mong lunukin ang puri mo, gawin mo, lalo na kapag gipit ka at wala ka nang ibang magagawa. Wala ka nang mapagpipilian." Bago pa lang ako sa lugar na ito, hindi eksperyensado sa kung anong pinasok ko. Tiningnan ako ni Madam Morticia simula ulo hanggang paa, wari'y sinusuri ang aking pigura. "Ara, ineng, mas maganda naman ang pigura mo kumpara kay Elena, mukha kasi siyang naiwan sa kusina. Pero ikaw, balingkinitan ka, hindi nga lamang makinis." Ngumiti ito nang nakaloloko sabay baling ang tingin kay Elena na isang taon nang nagtatrabaho kay Madam Morticia. Siguro nga, mukha pa akong bata, ngunit maaga akong namulat sa kasamaan ng mundo, sa hindi pagiging patas nito. Wala akong magagawa, gipit ako at kailangan ko ng pera. Ito lang ang nakikita kong sulusyon sa problemang mayroon ako. MODERNONG PUTA; SINA ELENA AT ARA Nobelang isinulat ni: Von Nouvelle at Morticia MagdaleneAll Rights Reserved
1 part