📚MELODY SERIES📚
~Clyde and Janna~
BOOK4 : Meant To Be Yours
Written By: TaraiShai
Genre: Romance
Status : COMPLETED / EDITED
Cover by: Maskedtruths WP
"Pagod na ako, Clyde!" umiiyak na sabi ni Janna. "Pagod na akong intindihin ka. Pagod na akong sambahin ka. Pagod na akong balewalain ang nararamdaman ko para lang mapasaya ka. Pagod na akong palaging unahin ka. Gusto ko namang mahalin ang sarili ko, kahit ngayon lang," dagdag ni Janna habang malayang tumutulo ang mga luha n'ya.
"Janna, I'm sorry!" paghingi ng tawad ni Clyde sa nobya. "Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo. Handa akong magbago, 'wag mo lang akong iiwan, please!" makaawa ni Clyde at mahigpit na niyakap si Janna.
"I'm sorry, Clyde," sabi ni Janna at kumalas sa pagkakayakap ni Clyde. "Bubuuin ko muna ulit ang sarili kong nagkapira-piraso ng dahil sa pagmamahal ko sayo," sabi n'ya at lumuluhang tinalikuran si Clyde. "Napakasakit para sa akin ang lumayo sayo, pero mas gugustuhin ko na 'to kesa dumating pa ako sa puntong mawala na ang pagmamahal ko sa sarili ko, pati na rin sayo," sabi n'ya ng hindi nililingon si Clyde. "Mahal kita, pero kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Paalam," sabi n'ya at tuluyan ng iniwan si Clyde.
A L L R I G H T S R E S E R V E D © 2020All Rights Reserved