Si Angelo Isaac ang nagiisang taong nabubuhay na may kakaibang sakit na dinadala, ang lahat ng nasa paligid nya ay laging pinamumukha na isa syang salot at anak daw ng demonyo, kaya bata palang tumatak na sa isip nya na talagang ayaw sa kanya ng tadhana maging ang oras ay inayawan sya Pero simula ng makilala nya ang taong katulad ni Julia ang lahat ng negatibong tingin nya ay naging positibo, kung dati ang walang saysay nyang buhay ngayon ay nagkakulay ng dahil sa taong nagparamdam sa kanya na higit na mas mahalaga ang hindi pagpansin sa sinasabi ng ibang tao dahil ang mas lubos na mahalaga eh ang maging masaya ka sa buhay na meron ka. Ngunit di doon natatapos ang kalbaryong kanyang kakaharapin dahil nga sa maling oras sya nabuhay, ang oras na mismo ang gumagawa ng paraan para maitama nito ang pagkakamali sa kanya, subaybayan ang kakaibang kwento na kakaharapin ni angelo isaac at julia.