Hindi yata ang sakit kong breast cancer ang papatay sa akin. Mas mapanganib yata ang magkaroon ng cancer sa pag-ibig. Mas mabilis ang pagkalat niyon sa buong sistema ko. At kung walang "gamot" na tutugon sa pangangailangan ko ay tiyak na igugupo ako ng depresyon, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng ganang mabuhay sa mundo.