Taste of Yesterday ( Bicolana Girl Series 1)
Bicolana Series 1: Graciela Irenea Atienza
She didn't grow up with love, but maybe, just maybe, fate still has a family waiting for her.
Hindi naranasan ni Graciela Irenea Atienza ang tunay na pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Iniwan siya ng mga ito, piniling sumama sa ibang pamilya, na para bang hindi siya sapat. Ang tanging nagmahal at nag-aruga sa kanya ay ang kanyang lola: ang kanyang sandalan, tahanan, at mundo.
Pero nang pumanaw ang kanyang lola, naiwan siyang mag-isa, kasama ang mga alaala, sakit, at katahimikang parang sumisigaw.
Dahil dito, nagpasya siyang umalis sa kanilang probinsya at lumipat sa Legazpi, bitbit ang pag-asang baka may bagong simula para sa kanya. Doon siya nag-aral, nagsikap, at natutong lumaban mag-isa, kahit masakit.
Sana puwede  na lang niya  iluto 'ang problema,  Para naman daw mapakibangan niya kahit papaano."
Sumali siya sa mga school pageants,hindi para sumikat, kundi para makatulong sa kanyang matrikula. Sa bawat lakad niya sa entablado, dala niya ang pag-asang mabigyan niya ng halaga ang sarili, kahit pa madalas, pakiramdam niya ay hindi siya sapat.
Marami ang ayaw sa kanya. Pinag-uusapan, hinuhusgahan, kinukutya dahil sa kanyang nakaraan.
Pero pinili niyang manahimik at magpatuloy.
Hindi naman siya yayaman kung bababa siya sa level nila
Hanggang sa isang araw, dumating ang mga taong handang tanggapin siya. Hindi dahil sa nakaraan niya, kundi sa kung sino talaga siya.
Dahil minsan, ang tunay na pamilya ay hindi 'yung kadugo mo, kundi 'yung handang piliin kang mahalin, kahit durog-durog ka na.