Hindi maintindihan ni Niko kung bakit niya nagagawa ang isang illegal na gawain. PDEA ang papa niya at alam niyang sa maling kilos niya ay mahahalata siya nito. Alam niyang mali pero dahil kumikita siya ng pera dahil sa pagbebenta ay naisipan ng kaibigan niyang gumawa na rin para hindi sila maubusan ng supply. Delikado ang binabalak nila pero itinuloy pa rin... Sa pagsubok na iyon, isang kapahamakan pala ang paparating sa kanila, at ito ang kanilang pinagsisihan ng lubos.