Highest rank: #1 Coronavirus Matiyaga at palaban--'yan si Russel. Wala siyang inuurungan na kahit anumang laban para sa pangarap at para sa pamilya. Taong 2020 dumating ang panibagong suliranin na susubok hindi lamang sa kanyang kakayahan kundi sa kanyang buong pagkatao. Milyun-milyong tao ang isinailalim sa Quarantine sa buong mundo dahil sa nakakamatay na pandemya. At ito rin ang dahilan kung bakit susubukang muli ang tatag ng puso't isipan ni Russel. Papaano kung ang quarantine mismo ang magiging daan upang buksan niya ang kanyang puso sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan? Ang pag-ibig. Kakayanin niya pa kayang lumaban? O susuko siya sa unang pagkakataon? "I am Russel and this is the story of how I fight for my life and for my... love."All Rights Reserved