Nang iwan ni Micha ang pilipinas ay nangako syang babalik bilang ibang tao. Isang bagong Micha na kakatakutan at pangingilagan ng lahat. Isang bagong Micha na matapang at hindi papa-api. Kaya naman ngayong babalik na sya makalipas ang limang taong pag-sstay sa Amerika ay sinigurado nyang handa na ang bagong siya. Handa nang harapin ang mga bagay na iniwan nya. Handa nang gumanti at makipagsabayan sa mga taong nang-alipusta sa kanya noon. Kasama na doon ang kanyang bruhang pinsan na inagaw ang boyfriend nyang mukha pera. At ang nag-iisang lalaking minahal nya pero piniling durugin ang puso nya at ipagpalit sya sa iba. Handa na sya, handa na syang makipag-laro sa mga ito. Handa na syang ituloy ang gyerang sinimulan ng dalawa, five years ago.All Rights Reserved
1 part