Ang lahat ay may hangganan, may katapusan. May simula at may wakas, may saya at may lungkot dahil ang buhay kailangang maging patas. The world only offers two choices. Live or die, that's the choices of life. Righ or left that's the choices of path. Nakadepende sa iyo Kung ano ang pipiliin mo, ngunit hindi mo hawak ang lahat, tama man o mali ang napili kailangang magpatuloy at lumaban dahil ang buhay hindi paatras kundi pasulong. Sa laro ng buhay, may nananalo at may natatalo ngunit hindi lahat ng nananalo ay nagpapatuloy at hindi lahat ng natatalo ay humihinto. Hindi sa lahat ng oras tatakbo ka, minsan kailangan mo ring huminto. Hindi sa lahat ng panahon tama ka at hindi sa lahat ng pagkakataon na sa bawat laban kailangan mong lumaban dahil sa oras na ipinanganak ka sa mundong ito, kailangan mong bumagay at pakisamahan ang kalupitan ng mundo. Dapat marunong Kang maglaro at makipaglaro upang mabuhay at tumagal sa mundong ito.