Nandito ako sa isang mundong ako ang naghahari. Isang lugar kung saan natatangi ang kasiyahan. Kumbaga, parang ako ang naghugis ng mga perpektong imahe-- walang kapintasan, walang karumihan. Iginuhit ko ang mga kapalarang ninanais ko makamit, ngunit sa kabila ng kapangyarihang ito ay labis din ang kapalit. Malaki ang pagsisisi ko-- sana di ako nagpakabulag.. Sana nabuhay na lamang ako sa reyalidad at tinigil ang aking kahibangan. Nang sa gayon, hindi ko na sana naranasan ang pait at sakit ng pagiging makasarili ko. Nilamon ako ng sarili kong kagustuhan na maging masaya. Hindi ko na sana pinagpalit ang mga mahahalagang pangyayari dahil kahit anong gawin ko-- hinding hindi ko na ito kayang ibalik.Tüm hakları saklıdır
1 bölüm