⸙ 𝗯𝗶𝘁𝘂𝗶𝗻
─ tuwing pagmamasdan,
ikaw ay makikitang
kumikinang sa
kalangitan.
sa lahat, ikaw ang
pinakamaliwanag
na bituin.
nagsisilbing ilaw
sa aking dilim.
ngayong gabi ako'y tumingin sa kalangitan
pumikit at hiniling nanaman kita sa buwan
kailangan nga ba kita makakamtan?
mukha mo lamang ang aking nais titigan