Ang istoryang ito ay naglalaman ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan ng Rosario, Batangas o sa nakaraan ng Batangas.
Credits to "Pequeños Estudios, Batangas y Su Provincia," by Manuel Sastron, published in 1895.
Note: Hindi lahat sa istoryang ito ay nangyari sa nakaraan ng Rosario, Batangas at ng probinsya ng Batangas. Iilan o bilang lamang sa bahagi ng istoryang ito ang tunay na nangyari sa nakaraan .
"Nagising ako ng may luha sa dalawa kong mata nang mapanaginipan ko ang nakaraan namin ni Daniel." - Giselle
"Ipinapangako ko Sela, sa sunod nating buhay, papakasalan kita sa Italia, ang naging tahanan ni ina kung saan maaari tayong mamuhay ng payapa."- Danilo
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos