Sa ating buhay, maraming mga pangyayari ang 'di natin inaasahan. Ang mga pangyayaring ito ay nagdudulot ng masama o magamdang resulta sa ating buhay. Pero sabi nga ng iba "everything happens for a reason". Minsan, kung ano pa yung 'di natin inaasahang mangyari ito pa ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay. Katulad na lamang ng isang dalagang ang tanging gusto lamang ay ang mamuhay ng payapa at masagana kasama ang kanyang pamilya. Isang dalaga na biniyayaan ng katalinuhan at kasipagan. Ngunit nagmula sa isang mahirap na pamilya. Isang dalagang hindi man lamang naranasang magkaroon ng kaibigan dahil sa estado ng kanilang buhay. Dito niya napatunayan na she can live without friends. Tumatak na sa kanyang isipan na having a friend is only a distraction to your success. Dalagang hindi natatakot sumubok ng sumubok dahil naniniwala siya na a person who never made a mistake, never tried anything new. Ngunit sa pagpapatuloy ng kanyang buhay, may di inaasahang pangyayari na gumunaw sa kanyang mundo. Pangyayaring magpapakilala sa kanya sa mga taong totoo at mapagkakatiwalaan niya. Kasama ang mga taong propesyon ang agham at medisina, dito mahuhubog ang tatag at determinasyon upang mapuksa ang kinatatakutan ng lahat.