Samara Atieza Silvan isang babaeng simple at tila hilaw na mangga, dalaginding pero maasim. Babaeng magiliw at puno ng saya ang mata. Babaeng nahumaling sa isang maginoong lalaki, Deon Madrid De Lapa. Lalaking magdidilig sa kaniyang pusong uhaw. Lalaking bubuhay sa kaniyang katauhang tigang. Pero puno ng misteryo ang nakakubli sa mundong kanilang kinabibilangan. Misteryong sila mismo ang tutuklas, higit sa kanilang sarili.