Isa lang naman ang natutuhan ko sa mga nangyari, hindi masamang magkagusto tayo sa isang tao at oo hindi masamang magkacrush, pero dapat ay limitahan natin ang sarili natin sa ganitong kalagayan, marami kasi ang mga taong lahat ay ginagawa upang mapansin sila ng taong hinahangaan at dahil sa paghanga at mga effort na ginagawa ay nakakalimutan na nila ang mga mas importanteng bagay na dapat nilang gawin. Isipin din natin ang sarili natin kung may silbi ba ang mga ginagawa natin para sa ibang taong ini-idulo na kadalasan ay nakakalimutan na natin ang sarili at hindi na natin nakikitang nagpapakahirap lang pala tayo sa wala.All Rights Reserved
1 part