Let Me Be The One Si Fenella ay ang babaeng naghahangad ng payapang buhay, lumaki siya sa mahirap na pamilya. Nais niyang makatapos ng pag-aaral kaya siya ay nagtrabaho sa isang delikadong bar. Kung saan, doon niya mararanasan ang mas matinding paghihirap, at doon niya nakilala si Inigo. Si Inigo ay ang lalaking kinatitilian ng lahat, lumaki siya sa mayamang pamilya. Lahat ng nais niya ay natutupad. Para sa kaniya, isang laro lamang ang pagmamahal. Kilala siya bilang isang womanizer. Hindi niya siniseryoso ang pagmamahal, hanggang sa makilala niya si Fenella. Nagbago ang paguugali ni Inigo ng makilala niya si Fenella. Hindi sila magkasunduan, para kay Inigo ay madaling abutin si Fenella. Para naman kay Fenella, mahirap abutin si Inigo, na lalaking lumaki sa mayamang pamilya. Hindi nila aakalain na mahuhulog sila sa isa't-isa. Maipagtatanggol kaya nila ang isa't-isa? Maipapanalo ba nila ang laban, gamit ang pag-ibig?