7 capítulos Em andamento Maduro"May tahimik na umaga na darating at marahan na dadampi sa puso mo. Ipapaalala na anuman ang bangungot na dala ng nakaraan, magpatuloy ka ngayon, sapagkat hawak ka ng isang umaga. Itatawid ka nito papunta sa hinaharap.
May tahimik na umaga na darating at yayakapin ang puso mo." - paghealom
Marahil malimit nating sabihin na kaybilis ng panahon. Sa isang iglap, ang kasalukuyan mo'y isa nang nakaraan. Sa isang iglap din lamang, ang hinaharap ay kasalukuyan mo na. Sa nagmamadaling mundo, ang pagiging banayad ay tila isang kalabisan lamang. Ngunit sa lahat, ito na yata ang pinakamasarap na pakiramdam.
Ang pagiging marahan.
Ngunit sa mundong kinalakihan ni Malaya, ang buhay ay tila isang rumaragasang ilog. Ang isang pagpikit ay dadalhin ka sa hinaharap. At sa oras na maging marahan ka ay mas lalo kang masasaktan. Para kay Malaya, ang banayad na umaga ay isang bangungot; isang madilim na panaginip. Kung kaya't mas pipiliin niyang pumikit at palampasin ang araw, at hayaan itong maging parte ng kaniyang nakaraan.
Subalit sa kabila ng matigas niyang paniniwala, hindi niya inaasahan ang pagdating ng isang tahimik na umaga, marahan at mahinahon, at isang umagang hindi siya kayang saktan. Si Amiel.
Sa isang payapang dalampasigan na rinig ang paghalik ng mga alon sa puting buhangin, makararanas nga kaya si Malaya ng isang umagang hindi niya kasusuklaman? Matututunan niya rin kayang mahalin ang pagiging marahan?
Sa mabilis na pag-ikot ng mundo, gaano katamis ang maranasan ang isang banayad na pag-ibig?