Sa modernong mundo ngayon, hindi masasagap ng iyong isipan na mayroong mga hiwaga at misteryong bumabalot sa iilang sulok nito. Hindi nga sumagi sa isip ni Perla na totoo ang mga halimaw na lumalapa ng mga inosente sa mga liblib na eskinita ng Maynila bago pa niya mismo ito makita sa kanyang harapan. Kung hindi lang dahil sa tatlo pa niyang pinsang sina Bertilino, Cedric, at Agno na saksi rin sa mga pinaggagagawa ng mga Anak ng Dilim, talagang magmumukha siyang nakatira sa isang pantasiyang mundo. Lalo pang tumindi ang igting nung nabuwag sakanya ang isang pangitaing nagbagsak sakanya ng isang napakabigat na responsibilidad. At, sa hindi inaasahang pagkakataon, patuloy ang paglago ng kanyang mga pagsubok sa pagtupad ng kaniyang misyon. Kasabay pa nito ang malaking sagabal sa kanyang daan na hindi niya inaasahan: ang panibagong tagapagmana ng Kadiliman.