Isang panaginip na nag hahatid ng kakaibang pakiramadam kay Mabel. Isang pangalan na pilit niyang inaalala ngunit tila isa lang itong temporaryong bagay na bigla na lang mawawala. Nag simula sa panaginip hanggang sa maging ang mga bagay at lugar na kaniyang nakikita ay nag babalik sa kaniya sa panahon kung saan niya naranasan ang maging masaya at masaktan. Makilala kaya nila ang isa't isa? O tuluyan ng ibinaon sa limot ang lahat ng masasakit na nakaraan.