Trial Duo #1
(Chat Fiction)
OMFTORWLJS, isang trial na in-offer ni Leila sa long time crush niyang si Marco nang malaman niyang broken hearted ang lalaki.
Ayon kay Leila, tutulungan niyang mag-move on si Marco sa pamamagitan ng trial na 'to.
Mag-avail kaya si Marco at tuluyan nang makapag-move on? O mauuwi sa wala ang offer ni Leila?
Lulubog, lilitaw--ganyan ang feelings ni Diane Christine para kay Jesuah. Pero paano kung sa isang iglap ay malaman niyang mahal din siya nito? Aamin na ba siya o patuloy pa rin niyang ililihim ang tunay na nadarama?
***
"If there are no telltale signs of feelings, is it really there?"
May feelings pero hindi sigurado. May kaba pero lumilipas. May kilig pero hindi lagi. May gusto pero may disgusto. May first love ba na madaling itago? I know what things I like and why I like them. Siya lang ang hindi talaga 'ko sigurado... kung bakit parang gusto ko.
***
I've had relationships. Good ones. Bad ones. Natapos nang hindi ko alam kung ano ang kulang o ano ang mali. Sabi nila, minsan sa katitingin sa malayo kaya hindi nakikita agad na nasa malapit lang ang hinahanap natin. I don't know if that's really the case with Jesuah Hernandez. Sobrang lapit niya. Sobra-sobra.
Siya ang first crush ko. Hindi sigurado kung siya ang first love. 'Yong feelings ko sa kanya, lumilitaw at nawawala. Parang hindi rin gano'n kalalim. Pero may kaba kapag nagkakalapit kami. Nagagalit ako kapag nagkaka-girlfriend siya.
Hindi sigurado kaya lahat ng iniisip, nararamdaman, at selos ko, ako lang ang nakaaalam. Lahat, patago. Lahat, pasikreto. It's not love if there are no sure signs, right? Or is it?
STATUS: Published under Bliss Books