My Love Hereafter (Completed)
33 bab Lengkap Dalawang taon nang tinatago ni Julius ang tungkol sa kanila ni Tom. Kontento na siya sa naging set-up niya at ng kanyang boyfriend, kahit nagkikita na lamang sila tuwing pagkatapos ng kanilang klase. Ang mahalaga sa kanya ay malayo sila sa mapanghusgang mga mata.
Sa hindi inaasahan, ang kanyang labis na kinatatakutan ay bumungad sa kanya: nalaman ng kanyang mga magulang ang lahat at kaagad tumutol sa kanilang relasyon. Dahil dito, nagbago ang tadhana nina Julius at Tom-sapilitan silang pinaghiwalay na siyang ikinasama ng loob ni Julius. Nang pinagbigyan siya ng isa pang pagkakataong makita si Tom, kinuha naman ni Tom ang pagkakataong iyon upang baguhin muli ang kanilang tadhana ni Julius-na siyang nagdala sa kanilang kapamahakan.
Matapos ma-comatose ng sampung taon, muling magigising si Julius at sa hindi niya inaasahan, panibagong panahon na ang nag-aantay sa kaniya. Muli pa ba niyang mababawi ang tadhana ng kanyang kahapon o ihahatid ba siya ng kanyang kapalaran sa isang panibagong yugto ng buhay?
At higit sa lahat, muli bang babalik ang naging pag-ibig niya o makakahanap siya ng bagong iibig sa kanya?
MY LOVE HEREAFTER
Genre: Romance, BL
Language/s: English, Filipino
Date Started: July 16, 2025
Date Finished: September 24, 2025