"Meron lang naman kayong natatanging misyon sa islang ito. Para saan pa ang lahat, diba? Hanapin nyo ako. Yun lang naman, let's play hide and seek babies!. Tandaan, sa inyong lahat, isa lang ang isasama ko paalis, at maiiwan ang hindi makahanap sakin. Sino nga ba sa inyo ang nararapat? Paalam! Let's start morons!" Siyam sila ng nagsimula ang laro, ngunit isa lang ang isasama paalis sa impyernong Isla Hinagpis. Paano ito magiging patas kung halos maging isang pamilya na sila sa isla sa loob ng halos ilang buwan na paghahanap sa taong hindi alam ang diskripsyon mula ulo hanggang talampakan? Natayo na nila ang bandera ng pagtitiwala, halos isakripisyo na rin nila ang kanilang buhay para sa isa't isa. Kaya papaanong hindi sila makaka alis ng magkakasama? Pseudes, and pangalan ng taong napili silang lahat para lang makipaglaro ng taguan. Sino nga ba sya at bakit nya nagawa ito? Ano nga ba ang mangyayari sa oras na mahanap na nila ang taong ito? Hahayaan ba nila na makasama ang isa at maiwan ang iba, o magsisimula na ang madugong paligsahan? Sa larong taguan, ano nga ba ang susunod na mangyayari pag nahanap nyo na ang inyong kalaro? Sila naman ang magiging taya! Be wise. 04-04-2020/9:09 pm/
1 part