Ang kanibalismo ay walang iisang kahulugan, ito ay isinasagawa sa kadahilanang isa itong kultura sa iba't ibang lugar- maaaring para sa paniniwalang ito ay magbibigay ng walang hanggang buhay, masaganang ani, kapangyarihan o para bigyang karangalan ang mga yumaong mahal sa buhay, ngunit, katanggap-tanggap din bang gawin ito sa ating bansa lalo na sa isang walang muwang na bata? Ano nga ba ang nangyari kay Bonnie? Ano ang naging epekto nito sa kan'ya at sa mga taong nasa paligid n'ya? Mayroon bang makakatuklas ng tinatagong sikreto ng kanilang psychiatric hospital o mananatili na lamang itong misteryo?