Nang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to go under hysterectomy surgery na makakaapekto sa kakayahan niyang maging Ina baling araw. Ang sabi ng Doctor, kung may boyfriend o asawa siya ay kailangan na niyang magpabuntis kung gusto pa niyang magkaanak, hindi kasi pwedeng patagalin ang sakit niya dahil magiging delikado iyon para sa buhay niya. Pero ang tanong ay kung saan siya kukuha ng lalaki? Bigla ay parang naghahabol siya ng oras dahil sa pesteng sakit niya. Dati-rati ay walang pressure sa kanya ang pag-aasawa kahit pa tawagin siyang matandang dalaga. Pero ngayon, bilang na ang oras niya para makahanap ng lalaking sisiping sa kanya para magkaanak siya dahil gusto rin naman niyang maging ina. Isa lang ang naiisip niya. Si Yuan. Ang gwapong best friend ng Kuya niya. Ang tanong na lang, ay kung paano niya ipapaalam dito ang problema niya? Ang pangangailangan sa binhi nito.