He still has the power to make her heart skip a bit. College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa't-isa. Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito. Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi. Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!All Rights Reserved