Si Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Juli na laging naroon para sa kaniya. She was hoping for a blessing na one day darating sa kaniyang buhay and that day really came nang makilala niya ang lalaking si Michael Rodriguez, ang lalaking nagkaroon ng love at first sight kay Niza. Si Michael Rodriguez ay isa sa pinakasikat at pinakamayamang studyante sa kanilang paaralan. Not to mention; ang pinakagwapo sa school campus. Masasabi nating "sikat" dahil siya ang kaisa-isang leader sa singing group in which they call it as "V5". Syempre sa bawat sikap at pawis ni Michael ay nakuha niya rin ang nag-iisang pangarap niyang mapasakaniya si Niza. Pero ang tanong... Sapat ba ang kanilang pagmamahal upang malampasan ang bawat pagsubok na kanilang makakaharap? Paano kung bibitaw ang isa sa kanila? Makakaya parin ba nilang ipaglaban ang problema sa ngalan ng pag-ibig?
56 parts