Wedding Girls Series 23 - Alexandra
  • Reads 58,378
  • Votes 1,393
  • Parts 13
  • Reads 58,378
  • Votes 1,393
  • Parts 13
Complete, First published Mar 26, 2020
WEDDING GIRLS 23 - Alexandra - The Printer

	Umiikot ang araw-araw sa buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. At kung pakiramdam niya ay kailangan niyang lumabas ng bahay, iyon ay ang oras ng pamamasyal niya sa mall. Her life was  such a bore. At tanggap niya iyon at wala naman siyang reklamo.
	Pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang bagong lipat niyang kapitbahay. Guwapo, matipuno, matangkad, moreno. Unang kita pa lang niya rito ay literal na siyang napanganga. Bakit ba hindi ay nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa katawan.
	He was Alexander.
	At noong oras pa lang na iyon na nalaman niya ang pangalan nito, malakas ang sapantaha niya ay sila ang itinadhana. Alexander at Alexandra. Pangalan pa lang nila ay bagay na bagay na.
	Tama naman nga kaya ang kanyang sapantaha?


-----
WEDDING GIRLS 24 - Jamaica - The Wedding Photographer

"Shit! Ano ba?" angil niya nang mabunggo niya ang paparating na lalaki. Pakiramdam niya ay isang pader ang nabangga niya. Mabangong pader dahil mabilis na nanuot sa pang-amoy niya ang samyo ng Hugo Boss.
	"Huwag kang mataray, miss. Ikaw na nga itong nakabunggo sa akin," sagot ng lalaki, tila galit din.
	"So, ako pala ang may kasalanan?"
"Obviously," matabang na tugon nito.
	"Then sorry!" tila mas tumaray pa ang tono niya. Hinagod niya ito ng tingin saka matalim na umirap bago nagpasyang ituloy ang paglakad.
	"Sandali, miss," habol na tawag nito.
	Huminto siya at nilingon ito. Naghintay siya ng sasabihin nito pero ang nakita niyang ginawa nito ay ang paghagod din nito ng tingin sa kanya.
	"Aba't..."
	"Ganti-ganti lang, miss." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi kasi ako sanay na sinusukat ako ng tingin. Gusto ko lang ding malaman kung ano ang meron sa iyo para tingnan mo ako mula ulo hanggang paa."
	"Arogante!" gigil na wika niya.
	"Suplada."
All Rights Reserved
Sign up to add Wedding Girls Series 23 - Alexandra to your library and receive updates
or
#626friends
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Wedding Girls  Series 01 - EVELYN MAY - The Wedding Planner cover
KISSING A STRANGER cover
Ain't No Other cover
PRETENDERS IN LOVE cover
Perfect Mismatch (Completed)  cover
Under the Roaring Thunders (Strawberries and Cigarettes #4) cover
Aligning the Stars (GXG) cover
Double Take cover
My One And Only Queen cover
Be My Valentine - Be My Honey cover

Wedding Girls Series 01 - EVELYN MAY - The Wedding Planner

22 parts Complete

"I intend to marry you, Eve. Kung kailangang haranahin kita uli ay gagawin ko para tanggapin mo ang alok ko." Inilahad nito ang palad sa kanya. "My mother's engagement ring, Eve. Hiningi ko ito sa kanya upang ibigay sa iyo. Will you marry me?" Ryan Olivares was handsome. He was tall. He had striking personality that she felt he was making her breathless. He seemed to possess a patent in sex appeal. Wala siyang iniwan sa isang babaeng kulang na lang ay mangatog sa labis na emosyong dumamba sa dibdib niya. Pinangahasan siya nitong halikan. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na pag-isipan kung tama ang nagaganap o hindi. Eve opened her mouth and accepted his kiss. At tangay na tangay na siya ng halik na iyon nang bigla ay matauhan siya. Ikakasal na siya sa ibang lalaki! A year later, isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang asawa. At wala siyang ibang sinisisi kung hindi si Ryan Olivares. At ipinangako niya sa sarili na gaganti siya. Aakitin niya si Ryan at paiibigin. At saka iiwan. And they are now ensnared in the web of seduction game.