5 parts Ongoing ***
Kung ikaw ang tatanungin, pipiliin mo ba ang kasikatan o ang tahimik na pamumuhay?
Para kasi kay Giselle, walang alinlangan-mas pipiliin niya ang tahimik na pamumuhay. Isang buhay na malayo sa ingay, kung saan hindi siya kailangang magpanggap o magpakita para magustuhan.
Bilang isang transferee student sa isang sikat na paaralan, hindi siya sanay sa mga mata ng iba na nakatutok sa kanya. Hindi siya mahilig makisalamuha o makipagkaibigan nang labis. Masaya siya sa kanyang sariling mundo at doon niya nararamdaman ang tunay na kapayapaan.
Si Giselle, bagamat hindi kasing stylish ng ibang estudyante, ay matalino naman siya, at hindi siya natatakot ipakita ang sarili. Hindi siya nagmamagaling, at hindi siya naghahanap ng atensyon mula sa iba. Ngunit sa kabila ng kanyang tahimik na personality, hindi siya madaling magpatalo. Hindi siya takot ipaglaban ang sarili, at kung kinakailangan, ipapakita niya ang kanyang lakas.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang tahimik na buhay ni Giselle ay nagulo nang makilala niya ang isa sa pinakasikat na estudyante sa Golden Summit International High school na si
Andres Montemayor.