- Year 1960 Moscow, Russia "Ako'y si Tadhana, mga luha sa mukha ko'y lumalandas. Nasasaksihan ang kasakiman at kasamaan ng aking sariling nga kamay, mga salitang isinusulat nito gamit ang isang lapis na pantas." "Ako'y si Tadhana, pagsisisi ay tila namumuo sa aking puso. Masakit man tignang ipaghiwalay ang buwan at araw, ngunit ako na'y nagbigay babala. Hindi natuto, muling inulit, kaya akin nang kikitilin itong pag-ibig na tuso." "Ako'y si Tadhana. Isip ko'y naghuhumiyaw. Dibdib ko'y naninikip. Puso ko'y nadudurog." Ako si Tadhana. Ngayon ako'y umiiyak. Naririnig mo ba? angelic_blueen