Maraming uri ng kasinungalingan sa mundo. Meron daw white lies na nagawa lang para sa ikabubuti ng iba. Meron namang kasinungalingan na talagang ginagawa para makasakit ng iba. White lies, bad lies at kung anu-ano pa man yan, kasinungalingan parin yan. A lie is a lie.
Si Winyx Jason Sevilla ay ang pinaka-magaling na archer ng Cowell Academy. Sa bawat asinta niya tinatamaan ng todo ang mga kababaihan sa kanya. Pero ang alam ng lahat ay may nagmamay-ari na ng puso niya.
Si Alexa Roxette Singian ang babaeng tinutukoy ng lahat na nagmamay-ari sa puso ni Winyx. Kilala siyang mahinhin at di makabasag pinggan na babae, noon. Pero nagbago itong lahat ng ipagpalit niya ang dating kasintahan kay Winyx.
Si Sebastian Fleute Ortiz ang ex-boyfriend ni Roxette. Mahigpit na karibal ni Winyx sa archery. At meron siyang matinding galit kina Winyx at Rox dahil sa ginawa nila sa kanya.
Si Andrea Rosselle Singian ay ang ate ni Rox. Mahinhin at sobrang bait na kapatid kay Rox. Matagal na siyang may gusto kay Sebastian pero nagparaya para kay Rox.
Maliban sa mga nabanggit? Ano pa ba ang posibleng maging involvement nila sa isa't-isa?
Ano nga ba ang totoo at ang hindi?
Sa bawat asinta, sa bawat halik, may kasinungalingan paring nagkukubli.