Kung ang mga salitang isinulat ng puso'y mapunta sa maling tao, magiging tama kaya ito? Kung ang nga sulat ang magiging ugnayan ng dalawang pusong hindi magkakilala, mauuwi kaya sila sa iisang ruta? Basahin ang mga inilathalang sulat ni Emery para sa kaniyang minamahal at kung paano ito mapupunta sa taong hindi naman niya kilala. Sabay ba nilang hahawakan ang papel nila sa kani-kanilang buhay o pupunitin ito ng tadhanang binura ang mga salitang naging alaala?