Reality. Pagpapakatotoo.
Simpleng tao lang ako, naghahanap ng may mapagsasabihan.
Marami akong friends pero naisip ko, mas kailangan ko ng may ibang mapagsasabihan.
Hindi ko hilig ang magrant sa Social media, nakakatoxic.
Marami na silang nagrarant, makikisali pa ako?
So naisip ko si Wattpad, since it is been a long time simula noong nagsulat ako sa Wattpad na wala man din akong natapos na story o napublish kahit isa. Nagugustuhan ko ngayon ang Wattpad, kasi hindi naman ako kilala at wala man din akong followers at kahit ipublish ko pa ito wala namang makakabasa hahaha so safe pa din dahil busy ang lahat sa Facebook.
So basically magrarant lang ako ng buhay ko. Boring ang buhay ko, wag niyo na basahin dahil for sure wala kayong mapupulot na aral dito. If you dare to read well thank you. Alam ko na hindi rin ako kung sino para makichismis kayo. Pero sige lang, okay lang din magbasa para naman kahit papaano may makakilala sa akin.
Magsawa tayo. Magbasa kayo hanggang sa magsawa kayo at magsusulat naman ako hanggang sa magsawa din ako.
Ciao!