11 parts Complete Mature®COMPLETED®
Sa gitna ng mga bulong ng nakaraan at mga anino ng mga pangako, sumibol ang pag-ibig na hindi dapat, isang apoy na sinindihan ng dalawang pusong naliligaw. Si Jhadrick Valtierra, isang lalaking yayanig sa pagkatao ni Kenzie Zyke Lucien ang babaeng maghahatid sa kanya sa mga landas na hindi niya inakalang lalakarin.
"Ang pag-ibig ba namin ay kasalanan... o tadhana?"
Magtatagpo ang kanilang mga puso sa ilalim ng mga bituing nagsisilbing saksi sa bawat lihim na pagtatagpo, sa bawat init ng kanilang mga yakap na tila baon sa pagsisising hindi maipahayag. Ngunit bawat sandali ng kanilang paglalayo sa katotohanan ay magdudulot ng mga luha, ng pagkasira ng mga pamilyang nagmamahal sa kanila, at ng pagkawasak ng isang babaeng handang ibigay ang lahat para sa isang lalaking hindi naman pala kanya.
Bakit kailangang magmahal sa gitna ng bagyo?
Hanggang kailan nila itatago ang isang pag-ibig na parang sandamakmak na tinik sa kanilang dibdib?
Isang kuwentong puno ng pighati, at paghihimagsik-kung saan ang bawat hakbang ay
"parang pag-ibig sa ibabaw ng bubog, maganda ngunit masakit."
A Beautiful Sin: ang kasalanang nagmulat sa kanila sa katotohanang, minsan, ang tamang tao ay dumarating sa napakaling panahon.
"Kung ang pag-ibig ay kasalanan, bakit parang langit ang yakap mo?"