"Hindi ko na siya naririnig na nagsasabi ng I LOVE YOU." "Hindi ko na nararamdaman ang yakap niya." "Hindi ko na siya nakikitang ngumingiti." "Hindi ko na naririnig ang tawa niya.." "Sa bawat araw na dumadaan. Hindi na kami masyadong nakakapag usap. Paunti na ng paunti ang bawat salitang nabibitawan namin sa isa't isa. Pano kung tuluyan nang maubos ang mga salitang yun. Pano pa namin masasabi na mahal pa namin ang isa't isa." ......................................... ....Ako si Vincent, may girlfriend ako, si Jeanne. Mabait siya. Very Sweet. Understanding. The best Girlfriend in the world! ............................................ ........................................... Pero yun ay before pa siya maging: Possessive. Paranoid. Boring. Then she became my Ex-Girlfriend. At yun ang naging start ng NAKAKATAKOT, KASUMPA-SUMPA, at NAKAKAPANINDIG BALAHIBO kong buhay araw-araw.