Nagising na lamang si Alyah na nasa ibang mundo na siya. Ngunit dito ay kilala siya bilang Alaia, ang babaeng kilala dahil sa kakayahan nitong makapagsabi ng hinaharap. Hindi niya alam na may iba pa palang mundo maliban sa mundo kung saan siya nagmula at hindi niya alam kung papaano at bakit siya napunta dito. Gulong-gulo siya sa nangyayari. At hindi nakatulong dito ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa pagkalunod, ang prinsipeng mahilig sa ubas. Hindi inaasahan ni Alyah na pati pala nararamdaman niya ay guguluhin din ng prinsipe. "Hindi ko ginusto 'to. But now I'm trapped here, I'm trapped in his world"