Kung minsan ay masyado tayong mapanghusga, kung ang isang kabtaan ay naligaw ng landas ay nawawalan na tayo kaagad ng pag-asa na ito ay maaari pang magbago at magbalikloob sa Maykapal.
Kadalasan din aty hindi natin nakikita ang kahalagahan ng isang bata. Nakikita lang natin na ito ay isang pabigat pa at walang maaaring maitulong sa atin. Kafalsan ay hindi natin sila napapansin. laging ang may edad na ang ating nais makasama dahil sila na ang may mga kakayahang gumawa ng mga bagay na nais nating maisagawa sa ngayon.
Ito ang naging malaking pagkakamali ng ating lipunan sa ngayon. Nang sabihin ni Dr. Jose Rizal na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" , ang nais niyang sabihin ay depende kung paano naturuan at nasanaya ang mga kabataan. Kung sa kanilang taon ng kabataan ay hindi sila naturuan ng mga Prinsipyo ng Diyos ay mahihirapang masabi na pag-asa ito ng bayan, lalo na kung ang naipasok sa isipan ng kanilang lipunang ginagalawan ay ang pagkakaroon ng mga kaalaman at mas marami pang kaalaman upang makamit ang tagumpay at magkamal ng salapi para sa sarili lamang. Siya ay salot ng lipunan.
Sa mga nasa propesyon ng pagsasanay, o anumang aspeto ng pamumuhay, lagi nating isiping ang mga kabataan ay maturuan ng mahusay, maayos at tama, at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng takot sa Diyos. At kung ito'y mangyayari, tingnan natin kung hindi pa rin tayo magkakaroon ng pagbabago. Kung Hindi ang Diyos ang pinakatamang paraan ng pagbabago ay wala na kong masasabi para matulungan ang ating lipunan. Ito ang aking masasabi:
...Kung sa pagbubukangliwayway ay hindi nagbago ang kasaysayan, Tao ang may kasalanan pagkat di sumunod sa utos ng Maykapal.
Elliot Jensen and Elliot Fintry have a lot in common. They share the same name, the same house, the same school, oh and they hate each other but, as they will quickly learn, there is a fine line between love and hate.