Ang sideline ni Anndrei ay ang pagiging isang photographer. Bata pa lamang siya ay ito na ang kanyang nakahiligan. Kaya kahit iba ang natapos niyang kurso ay ipinagpatuloy niya ang kanyang hobby. Nagkaroon siya ng isang malaking raket na reto ng kanyang kasamahan. Ano ito? Walang iba kundi photoshoot ng ikakasal na couple. Na halos ayawan na niya dahil ang lalaki palang ikakasal ay walang iba kundi si Tyrone Cha. Isa itong sikat na Idol sa bansang Korea dahil sa pagiging miyembro nito sa isang boy group at ito ang kanyang ex-boyfriend. Ito ang nagparanas sa kanya na umibig, sumaya, magtiis at masaktan, at ngayong magkikita sila nito. Paano niya ito haharapin gayong walang naging closure sa kanila. Paano niya aayusin ang naging gusot nila mula sa nakaraan lalo pa at malapit na itong ikasal sa babaeng ngayon ay iniibig nito?
30 parts