Binibining Esmeralda
  • Reads 136
  • Votes 15
  • Parts 4
  • Reads 136
  • Votes 15
  • Parts 4
Ongoing, First published Apr 04, 2020
Paano kung bibigyan ka ng isang pagkakataong mabuhay muli ngunit sa ibang panahon at ibang katauhan? 

Kakalimutan mo ba ang masalimuot mong nakaraan at matutong mabuhay ng masaya sa bago mong kapalaran o mabubuhay ka lamang ng dala ang pighati at sakit dulot ng nakaraang pilit kang binabagabag? 

Ito ay kwento ni Emerald, isang babaeng heneral na kinitil ang kaniyang buhay at nagising nalang bigla sa katawan ng isang dilag na kinitil din ang buhay dahil sa kaniyang iniibig. 

Bilang isang Pilipino, ipagtatanggol niya ba ang kaniyang bayan laban sa mga dayuhan o mananahimik na lamang ito dahil ayaw niya na'ng ipaalala sa kaniya ng pakikidigma ang malupit na nakaraan?

Bilang isang dilag, hahayaan niya bang mahulog muli ang kaniyang puso sa pangalawang pagkakataon kung ang taong muling nakapukaw ng kaniyang atensyon ay kawangis ng kaniyang minamahal sa nakaraang buhay nito?

Bilang isang anak, pipiliin niya ba ang kabutihan ng kaniyang pamilya o ang kaniyang sariling pagnanais? 

Bilang isang kapatid, matututo ba siyang tanggapin ang mga sekretong maaaring makasira sa pamilyang walang ibang ginawa kundi ang ipakita ang pagmamahal sa kaniya? 

Bilang isang tao, matututo ba siyang pahalagahan ang buhay ng iba kung ang kamay niya mismo ay nabahidan na ng dugo ng maraming tao? 

Makakaya niya kayang maging si Binibining Esmeralda?
All Rights Reserved
Sign up to add Binibining Esmeralda to your library and receive updates
or
#12pamilya
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos