Kung may pagkakataon lamang akong isulat lahat ng nilalaman ng aking puso at isipan, pipiliin kong ipansulat yung permanente. Permanente na hindi kayang burahin ng kahit anong pambura sa mundo. Hindi tulad sa puting pansulat, na sa bawat pulbos na napupudpod dito ay siyang hudyat na mauubos na ang panahon nito, at ang pinakamasakit na katotohanan ay sa isang pagpunas lamang, maaaring mabura lahat ng naitala ng panahon, isip at puso.
Sa babaeng tulad ni Miracle Elay Dela Torre, mataas ang pangarap, mahalaga ang pamilya, mahalaga ang kaibigan, mahalaga ang paninindigan sa propesyong sinumpaan, Paano kaya sa kanya iikot ang kapalaraan?
Ating samahan ang babaeng inuluwa ng langit sa kanyang makukit ngunit roller coaster over load na kuwento ng kanyang buhay.