Flight Leiutenant Robert Alfonso Santos. Dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang mga magulang. At dahil sa wala pa siya sa wastong edad upang magtrabaho para matustusan ang pangangailangan nilang magkakapatid, ay napilitan siyang ipakupkop sa kanilang masungit na tita ang kanyang mga kapatid. Isang pangako ang kanyang iniwan.. Ang babalikan niya ang mga ito. Ngunit sa pagbabalik niya ay lumipat na pala ng bahay ang kanyang tita kasama ang kanyang mga kapatid. Kung nasaan ang mga ito, ay hindi niya alam. Naging sundalo naman siya nang mag volunteer siyang makipagdigma sa mga teroristang sumakop sa bayan ng Marawi. Magtatagumpay kaya siya gayong bago lamang sa kanya ang paghawak ng baril at hindi siya lumaki ng mapangahas. Samahan si ang ating magiting na piloto sa kanyang pakikipagdigma sa pag ibig, kapayapaan at kapatawaran.