Mas naranasan ni Novel ang hirap ng buhay nang mamuhay na siyang mag-isa sa edad na 18. Subalit, para sa kaniya mas ayos na iyon kaysa manatili sa adoptive parents niya. Lagi siyang sinusumbatan ng ina-inahan sa pangyayaring 'di niya naman din ginusto. Ang akala niya ay 'di na sasagana ang buhay niya pero dumating ang araw na unti-unting yumayabong ang naging writing career niya. Kapalit din niyon ay muli niya palang makikita ang adoptive parents niya. Ngunit naging malakas ang loob niya, doon din nagsimulang mahulog siya sa lalaking nagngangalang Ismael Smith.